PRUSISYON | Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa Disyembre 31

Manila, Philippines – Ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila ang isasara bukas, December 31 para sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Base sa inilabas na traffic advisory ng Manila Police District (MPD) traffic enforcement unit, tatlong malalaking kalsada ang isasara mula ala-1:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ito ay ang:
– Southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda
– Eastbound lane ng Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street
– Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street


Inaabisuhan ang lahat ng mga motorista mula España Boulevard na patungong Roxas Boulevard, South Pier Zone o Taft Avenue na kumanan sa P. Campa Street at dumiretso sa Fugoso Street.

Pwede namang kumanan sa Fugoso Street at saka kumaliwa sa Rizal Avenue ang mga magmumula naman sa A. Mendoza Street patungong Quezon Boulevard.

Facebook Comments