Manila, Philippines – Umabot ng 21 oras ang prusisyon ng Poong itim na Nazareno na nagsimula alas sais ng umaga mula Luneta Grandstand patungong Quiapo Church.
Ayon kay MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang naging selebrasyon ng Itim na Poong Nazareno maliban na lamang na mayroong nasusugatan, nahihimatay at tumataas ang blood pressure.
Paliwanag ni Danao na nagkakaedad ng 40-anyos ang kaunang-unahang deboto na isinugod kahapon sa Philippines Red Cross Station sa Bonifacio Shrine sa Maynila.
Kinilala ang deboto na si Analisa Tampalong ng Caloocan City na nakaramdam umano ng pamamanhid ng katawan habang nakapila para sa pahalik patungo na sa Quirino Grandstand kung saan naroon ang imahen ng Black Nazarene.
Ang blood pressure ni Mrs. Tampalong ay 170 over 110, ayon sa Medical Staff ng Philippine Red Cross.
Nabatid na mahigit 10 taon na na namamanata si Mrs Tampalong sa Black Nazarene.