Prusisyon ng Sto. Niño de Tondo, naging organisado at mapayapa

Naging maayos at mapayapa ang prusisyon ng Sto. Niño de Tondo sa Maynila.

Maagang tumulak ang prusisyon ng poong Sto. Niño de Tondo kung saan daan-daang deboto ang nakibahagi.

Kasama rin sa parada ang libo-libong replica ng Sto. Niño na nakasakay sa mga tricycle at pedicab.


Naibalik na sa  simbahan ang imahe  Sto. Niño, kung saan maraming deboto ang nagpabendisyon ng kanilang mga imahen.

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang isang misa.

Mahigpit naman na binantayan ng mga tauhan ng Manila Police ang karosa ng prusisyon.

May ilang deboto ang nagsabi na naniniwalang ang Sto. Niño ang nagpagaling sa kanilang mga sakit.

Facebook Comments