Prutas at gulay na galing Batangas at kalapit na lugar, maari paring kainin, DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maaari paring kainin ang mga prutas at gulay na nalagyan ng abo bunsod ng pag-sabog ng Bulkang Taal.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na basta hugasan lamang mabuti ang prutas at gulay na naabuhan bago ito iluto o kainin.

Pero ang mga isda na galing sa Taal Lake ay hindi parin ligtas kainin sa ngayon.


Posible kasi aniyang na-disolve sa tubig ang mga toxic mula sa Bulkang Taal at nakain ito ng mga isda na maaari namang maipasa sa tao.

Kaya mahigpit na paalala ng DOH huwag munang kakain ng isda mula Taal.

Hintayin na lamang anila ang Go signal ng mga eksperto kung maaari nang muling kainin ang mga isda galing ng Taal lake.

Facebook Comments