PS-DBM, hindi dapat buwagin

Sa halip na agarang buwagin ay makabubuting tingnan at kung kinakailangan ay magkaroon ng kaukulang pagbabago sa panuntunang sinusunod ng kontrobersyal na Procurement Service of the Department of Budget and Management o PS-DBM.

Ito ang binigyan-diin nina House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe at House Senior Deputy Majority Leader at Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo.

Paliwanag ni Quimbo, napakahirap mag-procure at napakahirap mag-disburse kaya nilikha ang PS-DBM na ang expertise lang talaga ay mag-procure para sa ibang ahensya.


Para kay Quimbo, maganda ang konsepto ng PS-DBM subalit nagkaroon ng problema dahil sa nakitang hindi magagandang transaksyon na masosolusyunan kung magkakaroon ng transparency.

Si Congressman Dalipe ay kumbinsido din na maganda ang layunin ng PS-DBM para matulungan ang mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang kanilang pondo sa epektibong at mabisang paraan.

Sang-ayon din si Dalipe na makakatulong ang transparency para maituwid ang mga nakitang problema sa PS-DBM.

Facebook Comments