Inanunsyo ng Philippine Statistic Authority o PSA na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho batay sa Labor Force Survey para sa buwan ng Mayo 2024 Preliminary result ng ahensiya.
Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General ng PSA, naitala kasi ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo noong May 2024 sa 2.11 million.
Paliwanag ni Mapa, na nasa 4.1% ang unemployment rate na naitala noong May 2024.
Aniya, mas mataas ang nabanggit na bilang sa naitala noong April 2024 na 2.04 million million na unemployed na Filipino.
Bumaba naman ang bilang ng mga underemployed noong May 2024 na naitala sa 4.82 million at 9.9% na underemployment rate.
Nabatid na May 2024 na naitala sa 7.04 million at 14.6% na underemployment rate.