
Bumagal ang antas ng paggalaw ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong buwan ng Hulyo.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, naitala noong nakaraang buwan ang inflation rate na 0.9%.
Mas mabagal ito kumpara sa 1.4% noong June 2025.
Kabilang sa mga nakapag-ambag sa mabagal na inflation rate ay ang housing, water, electricity, gas and other fuel.
Kasama pa rito ang mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente at pababa ng presyo ng LPG.
Nakaambag din sa pagbagal ng inflation ang food and non-alcoholic beverages gaya ng pagbaba presyo bigas, kamatis at saging.
Huling nakapag-ambag ang transport dahil sa mabagal na pagbaba ng pasahe sa barko, presyo ng gasolina at pasahe sa eroplano.
Facebook Comments









