Bumagal pa ang pagtaas ng antas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Mayo, 2023.
Paliwanag ni Usec. Dennis Mapa, national statistician at civil registrar general ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito sa 6.6 percent noong April, 2023.
Kabilang sa mga sektor na nagpabagal sa pangkalahatang inflation noong Mayo ay ang transport sector kung saan mabilis ang naging pagbaba ng presyo ng gasolina, diesel at pasahe sa tricycle.
Bumagal din ang paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang dilis, manok at itlog at maging ang halaga ng mga pagkain na mabibili sa mga restaurant at café.
Facebook Comments