PSA, inutusan ni PBBM na madaliin na ang pagpi-print ng PhilSys digital ID

May direktiba na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Philippine Statistics Authority (PSA) na madaliin na ang pag-iimprenta ng digital version ng Philippine Identification System o PhilSys ID.

Batay sa kautusan ng presidente, dapat nang gawin ang maramihang pag-iimprenta ng digital version ng Philippine Identification System at saka isunod ang pagpi- print ng physical ID.

Kaugnay nito, inihayag naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na patuloy silang nakikipag-tulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapabilis ang produksyon ng Phil ID.


Paliwanag ni Mapa na ang dagsa ng mga nagpaparehistro ng PhilSys ID ang dahilan ng pagkaantala para makapag-imprenta ng National ID cards.

Oktubre ng simulan ang pagpapatupad ng printed digital version ng Phil ID habang hindi pa nakakagawa ng physical National ID na kaparehong disenyo ng isang ATM card.

Facebook Comments