PSA, ipinakita ang mga nilalaman ng Philippine Identification card

Ibinahagi na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga lalamanin ng Philippine Identification card o PhilID.

Ayon sa PSA, sumentro sa security features ang PhilID para masiguro na hindi mananakaw ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal na nagmamay-ari nito.

Makikita sa harap ng PhilID ang litrato ng may-ari, buong pangalan, tirahan at maging ang araw ng kapanganakan nito.


Nasa harapan din ng ID ang PhilSys Card Number (PCN), na magsisilbing serial number sa physical ID card na iba sa PhilSys Number (PSN).

Sa likod naman ng ID makikita ang iba pang demographic information tulad ng sex, blood type, marital status, at lugar ng kapanganakan.

May QR code rin ito para sa PSN, serial number ng barcode, at microprint ng PSN.

Paliwanag ng PSA, mayroong mga itinatagong features ang PhilID na hindi kayang duplikahin para sa seguridad.

Facebook Comments