Plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maglunsad sa Marso ng mobile identification (ID) card.
Ayon kay PSA Deputy National Statistician Asec. Rose Bautista, ito muna ang gagamiting remedyo kasunod ng delay sa pagpapalabas ng National ID.
Aniya, kung mayroong smart phone ang isang indibidwal at pumasa naman sa step 2 ng registration para sa National ID at dumaan na sa identity validation, kwalipikado na itong mabigyan ng “unique” na Philippine Serial Number (PSN).
Nauna nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 14, 2022 ang Executive Order 162 na nag-aatas sa lahat ng sangay ng pamahalaan maging ang pribadong sector na kilalanin at tanggapin ang PSN.
Facebook Comments