Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko laban sa mga kawatan na humihingi ng fee kapalit ng pagpaparehistro para sa national identification card.
Sa Facebook post, pinag-iingat at pinaiiwas ng PSA ang publiko sa mga fixers at scammers.
Paglilinaw ng PSA na ang Philippine Identification System (PhilSys) registration ay libre, walang assistance fee, at walang delivery fee.
Hinikayat ng PSA ang lahat na personal na sumailalim sa PhilSys registration upang maiwasang magoyo ng mga manloloko.
Maaaring isumbong ang sinumang scammers at fixers sa kanilang email: info@philsys.gov.ph o mag-iwan ng mensahe sa kanilang official Facebook page na PSAPhilSysOfficial.
Ang mga hindi awtorisadong paglalabas at paggamit ng PhilID ay may parusang tatlo hanggang anim na taong pagkakakulong, at multang aabot sa isang milyon hanggang tatlong milyong piso, alinsunod sa Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act.