Naglunsad ng motorcade ang Provincial Statistical Office ng Pangasinan kasabay ng pagdiriwang ng ika-36 Civil Registration Month kahapon, Pebrero 6, 2026, katuwang ang Pangasinan Civil Registrars’ Association (PANCRA).
Dinaanan ng motorcade ang walong bayan at lungsod sa lalawigan kabilang ang Calasiao, Santa Barbara, Malasiqui, Bayambang, Basista, San Carlos City, Binmaley, at Dagupan City.
Ang tema ngayong taon ay “Navigating the Future Together: Advancing CRVS in Shaping the Global and Regional Data Ecosystem,” na naglalayong palakasin ang kahalagahan ng maayos at napapanahong civil registration sa lokal at pandaigdigang datos, gayundin ang pagpapabuti ng serbisyo para sa mga mamamayan.
Layunin ng pagdiriwang na itaguyod ang kahalagahan ng civil registration sa pagbibigay ng tamang impormasyon, pagsuporta sa pamamahala, at pagtitiyak ng seguridad ng datos sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










