PSA, pinaalalahanan ang publiko sa pagdodoble ng rehistro para sa National ID

Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na iwasan ang pagre-register ng National ID na higit sa isa.

Ayon sa PSA, posible kasing magdulot ito ng isyu pagdating sa pagpoproseso sa National ID system.

Binigyang-diin ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na nade-detect ng kanilang system ang double registration na nagiging dahilan ng dagdag na delay dahil kinakailangan pa itong sumailalim sa mas mahabang proseso at imbestigasyon.

Ayon naman kay Assistant Secretary at Deputy National Statistician ng PhilSys Registry Office Rosalinda Bautista na mayroon namang updating serving centers ang ahensya kung saan ang pwedeng magtungo kung sakaling may papalitan mang impormasyon sa kanilang National ID.

Sa huling tala ng PSA noong Setyembre 2025, nasa mahigit 50 million authentications na ang recorded mula sa National-ID integrated systems sa buong pamahalaan, social protection, private, at financial sectors.

Facebook Comments