Bumilis ang paglago ng sektor ng agrikultura sa 1.2% noong 2023 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Kabilang sa nakapag-ambag sa paglago ng sektor ng agrikultura ay ang mataas na produksyon sa poultry at livestock, gayundin sa produksyon ng mga prutas at palay.
Naitala ang 20.06 metriko tonelada naaning palay noong 2023.
Ito ay nakatulong upang mapababa sa 3.5 milyon metriko tonelada mula sa 3.8 milyon metriko tonelada ang pag-aangkat ng bigas noong 2022.
Positibo naman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel mas mahihigitan pa ang naitalang paglago ngayong 2024.
Tiniyak naman ng agriculture chief na mas patataasin ang farm inputs, post-harvest at storage facilities, at magtatayo ng mas maraming irigasyon ang DA alinsunod sa layunin nitong i-modernize ang agrikultura, matiyak ang food secutity, at maiangat ang kita ng mga magsasaka.
Ngayon 2024, nasa P167.5 bilyon ang pondo ng DA na mas mataas ng 5% kumpara noong 2023.