PSA: Unemployment rate ng bansa, bumaba sa 3.7% noong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo 2025

Bumaba ang unemployment rate ng bansa noong buwan ng Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.7% ang unemploment rate noong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo 2025.

Sa pagtaya ng PSA, nasa 1.95 million ang walang trabaho noong Hunyo.

Mas mababa na ito kumpara sa 2.03 million na jobless noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments