
Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Richard “Dickie” Bachmann bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Kasabay nito ang kumpirmasyon na iniluklok naman ni Pangulong Marcos si Patrick “Pato” Gregorio bilang bagong pinuno ng ahensya na siyang nangangasiwa sa mga sports development program sa bansa.
Papalitan ni Gregorio si Bachmann na hinawakan ang PSC chairmanship mula pa noong 2023.
Nagsilbing Presidente ng Philippine Rowing Association at chairman ng Philippine Basketball Association (PBA) si Gregorio bago ang kaniyang appointment.
Samanatala, itinalaga naman Pangulong Marcos si Atty. Paisalin Pangandaman Tago bilang bagong Presidente ng Mindanao State University (MSU).
Si Tago ay manunungkulan sa MSU sa loob ng anim na taon kapalit ni Basari Mapupuno.









