PSC, isasailalim sa lockdown matapos magpositibo ang 63 kawani nito

40

Simula bukas, Abril 13, isasailalim sa 10-araw na lockdown ang Philippine Sports Commission (PSC) matapos magpositibo ang 63 kawani nito.

Ayon sa PSC, damay rin sa lockdown ang mga opisina nila sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at PhilSports Arena sa Pasig City na isasailalim sa disinfection at cleansing.


Tuloy naman ang operasyon ng PSC pero work-from-home arrangement lang ito habang naka-lockdown.

Tiniyak naman ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. ang mahigpit pang health protocol sa kanilang komisyon.

Facebook Comments