PSC, nagpaliwanag sa paggamit ni Pangulong Marcos Jr., ng presidential chopper patungo sa venue ng Coldplay concert sa Bulacan noong Biyernes

Nagpaliwanag ang Presidential Security Command (PSC) sa paggamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng presidential chopper patungo sa venue ng Coldplay concert sa Bulacan noong Biyernes.

Ayon kay PSC Commander MGen. Nelson Morales, nasa 40,000 ang dumagsa sa Philippine Arena kahapon na nagresulta sa hindi inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Dahil dito, minabuti ng PSC na gumamit ng presidential chopper dahil sa potensyal na banta sa seguridad ng pangulo.


Paliwanag ni Morales, ginawa nila ang desisyon upang matiyak ang kaligtasan ni Pangulong Marcos Jr. at tuparin ang pangako ng PSC na uunahin ang seguridad ng pangulo sa gitna ng mga hindi inaasahang sitwasyon.

Facebook Comments