PSC, pinaiiwas muna si Obiena at ang PATAFA sa paglalabas ng pahayag sa publiko

Nanawagan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng dialogue sa pagitan nina pole vaulter EJ Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Kasunod ito ng naging alegasyon ng PATAFA kay Obiena na hindi nito binayaran ang kanyang coach na si Vitaly Petrov na agad namang pinabulaanan ng atleta.

Sa pahayag na inilabas ng PSC ngayong araw, inatasan din nito sina Obiena at ang PATAFA na iwasan munang maglabas ng public statements habang humahanap sila ng solusyon para maresolba ang isyu.


Kung hindi magtatagumpay ang dayalogo, mapipilitan umano ang PSC na magpatupad ng aksyon na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pederasyon pagdating sa usapin ng tulong pinansyal.

Nabatid na nakarating na rin sa Senado ang naging palitan ng bwelta sa social media ng magkabilang panig kung saan nagbabala si Senator Pia Cayentano na isusulong niya ang pagtatanggal ng pondo sa PATAFA kung hindi ito maaaksyunan.

Facebook Comments