May panawagan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa mga lokal na pamahalaan na payagan silang makapag-operate ng Small Town Lottery (STL) at lottery.
Ayon kay Garma, hindi lamang mabibigyan ng hanapbuhay ng PSCO ang mga lugar na may PCSO gaming outlet, makakatulong din anya ito sa paglago ng ekonomiya ng isang Local Government Unit (LGU).
Aniya, ang kooperasyon ng PCSO at LGU ay mayroong mahalagang papel upang makapag-generate ng pondo kung saan makakatulong ito sa buong bansa.
Giit ni Garma, ang mga palaro ng PCSO ay ligal at larong may puso.
Dahil aniya bahagi ng kinikita ng PCSO ay nakakatulong sa mga Pilipino na may pangangailangang medikal at mga biktima ng kalamidad.
Kabilang din dito ang tulong sa mga institusyon, ospital at mga lokal na pamahalaan.