PSG compound, isinailalim sa lockdown para sa self-quarantine ng PSG personnel

Mula hatinggabi bukas, March 28 hanggang april 10 ay isasailalim sa lockdown o self quarantine ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay PSG Chief Colonel Jesus Durante III, walang PSG personnel at kanilang dependents ang papayagan na lumabas sa loob ng kanilang mga quarters na nasa MalacaƱang complex sa loob ng nabanggit na panahon.

Papahintulutan naman ang mga tauhan ng Office of the President at iba pang tanggapan sa loob ng MalacaƱang complex na magkaroon ng skeletal force pero dadaan sila sa mahigpit na screening procedures.


Diin ni Colonel Durante, ang mas pinahigpit na security measures na ipinapatupad ng PSG ay may layuning mapanatili ang maayos na kondisyon ng kalusugan mga tauhan nito para patuloy nilang mapangalaan ang kaligtasan at kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments