Hihilingin ng Presidential Security Group (PSG) sa Food and Drugs Administration (FDA) ang confidentiality sakaling imbestigahan ang pagpapabakuna sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III, walang magiging problema sa kanila ang imbestigasyon basta’t dadaan ito sa due process.
Aniya, ang hihilingin nilang confidentiality ay dahil na rin sa klase ng kanilang trabaho.
Muli namang iginiit ni Durante na, sila mismo ang nag-request ng donasyon at aakuin niya ang responsibilidad bilang pinuno ng PSG.
Facebook Comments