Manila, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng ika-120 anibersaryo ng Presidential Security Group ay nag-alay ng isang minutong katahimikan ang mga miyembro ng PSG para sa mga sundalo at sibilyan na nasawi sa bakbakan sa Marawi City.
Kasama sa pag-aalay ng isang minutong katahimikan ay si Pangulong Rodrigo Duterte na nangunguna sa nasabing selebrasyon kabila narin sina National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Health Secretary Pauline Ubial.
Sa talumpati naman ni Pangulong Duterte ay muli nitong sinabi na siya ay nalulungkot sa nangyayari ngayon sa Marawi City kung saan nagpapatuloy parin ang bakbakan sa pagitan ng Maute Terror group at Militar.
Sa huli ay binati din naman ni Pangulong Duterte ang pamunuan ng PSG at tiniyak ang kanyang suporta hindi lang dito kundi sa buong hukbong sandatahan ng Pilipinas.
Bago pangunahan ng pangulo ang anibersaryo ng PSG ay pinangunahan muna ng Pangulo ang Ground Breaking Ceremony para sa itatayong bago at modernong PSG hospital sa Malacanang Park.