Simula pa lamang noong Mayo, pinaghahandaan na ng Presidential Security Group (PSG) ang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG Chief Jesus Durante III, nagsagawa na sila ng pakikipagpulong sa kanilang counterparts.
Nakapag-ocular at site inspections na rin aniya ang PSG.
Sinabi pa ni Durante na magkakaroon din ng simulation exercises kasama ang mga law enforcement at iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Ani Durante, tulad noong isang taon, hybrid SONA ang inaasahan kung saan susundin ang nakaraang template na ang ibang hindi makadadalo ay via video conference o Zoom at magkakaroon lamang ng kakaunting attendees sa mismong plenary.
Prayoridad aniya ng PSG ang kaligtasan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi lahat ng dadalo sa huli nitong SONA sa darating na July 26,2021.