PSG, nagpatupad ng 360 degrees security protection kay Pangulong Duterte makaraan ang twin bombing incident sa Jolo, Sulu kamakailan

228

Aminado ang Presidential Security Group (PSG) na nababahala sila sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.

Gayunman, sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III na hindi sila nagkukulang sa pagbabantay sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.

Sa katunayan, nagpapatupad sila ngayon ng 360 degrees security protection para sa Punong Ehekutibo at sa kanyang pamilya kung kaya’t walang dapat na ipag-alala ang publiko.

Sa ngayon, wala naman silang namo-monitor na anumang seryoso at direktang bantang pang seguridad laban sa Pangulo, pero hindi nangangahulugan na sila ay magpapakakampante.

Hindi naman matiyak pa sa ngayon ng opisyal kung kailan babalik ng Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte pero habang ito ay nasa kanyang hometown sa Davao City, tinitiyak nitong ligtas at nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ng Presidente.

Facebook Comments