PSG, nagsasagawa na ng ocular inspection sa Sofitel

Nagsasagawa na ng ocular inspection ang Presidential Security Group (PSG) sa paligid ng Sofitel sa Pasay City.

Ayon kay PSG Commander Col. Randolf Cabangbang, parte ng safety procedures ang pag-iinspect nila ngayon sa Sofitel.

Gayunman, tumanggi si Col. Cabangbang na idetalye kung ngayong araw maghahain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Pangulong Rodrigo Duterte.


Nabatid na base sa nilagdang Certificate of Nomination and Acceptance o CONA ni PRRD ay tinatanggap nito ang nominasyon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban upang sumabak siya sa pagkabise presidente ng partido.

Una nang nakipagpulong ang PSG sa Commission on Elections kaugnay sa pagtitiyak ng seguridad ni Pangulong Duterte sakaling personal itong maghain ng kaniyang COC para sa 2022 elections.

Facebook Comments