Nasa huling yugto na ang ginagawang paghahanda ng Presidential Security Group (PSG) para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbobg” Marcos Jr.
Ayon kay Col. Ramon Zagala ang commander ng PSG, nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang ahensiya ng pamahalan upang masiguro ang seguridad.
Pinaigting pa ng PSG ang ilang mga hakbang sa pagbabantay para sa kaligtasan ni Pangulong Marcos, ng first family at ng mga dadalo sa SONA.
Sasalang naman sa mahigpit na screening ng PSG ang lahat ng mga dadalo sa SONA ng pangulo sa darating na Lunes, July 25, 2022.
Nabatid na una nang pinayagan ng House Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau na magsama ng isang indibdwal ang mga senador at kongresista gayundin ang mga miyembro gabinete at local officials na naimbitahang dumalo sa SONA.