PSL GRAND PRIX | Iriga City Oragons, muling nagwagi

Manila, Philippines – May good news ulit para sa mga fans ng Iriga City sa Philippine Superliga Grand Prix.

Nanalo kasi sa straight sets ang mga Lady Oragons kontra Victoria Sports-UST 25-19, 25-21, 25-20 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa liga.

Nanguna sa Iriga City si import Tamara Kmezic sa third set matapos humabol ang mga Bicolana mula sa apat na puntos na abante ng Tigresses para makuha ng koponan ang panalo.


Natalo kasi ang Iriga City sa unang apat nilang laro bago ang two-game winning streak nito.

Ito naman ang ikaanim na sunod na kabiguan ng Victoria Sports.

Facebook Comments