Manila, Philippines – Iginigiit ngayon ng pamunuan ng Police Security Protection Group na may banta sa buhay si Diana Uy ang negosyanteng nakuhaan ng 17 milyong halaga ng shabu at cash sa kanyang condo sa lungsod ng Maynila kaya binigyan nila ng protective security personnel.
Ayon kay Police Chief Supt Joel Crisostomo De Leon Garcia taong 2006 pa ng humiling ng protective security personnel si Diana Uy matapos na makidnap noong May 21, 2006 at mapalaya noong May 28, 2006.
Paliwanag ni Garcia ang pag-aproba nila sa kahilingan ni Uy ay nakabatay sa threat sa buhay nito.
Ang gumagawa aniya ng assessment ay ang directorate for intelligence, pagkatapos pipirmahan ng PNP chief bago sila magdedeploy ng kanilang tauhan.
Wala rin daw kinakaharap na kasong kriminal si Uy kaya naging isa rin sa basehan nila para bigyan ng protective security personnel.
Nilinaw naman ni Garcia na tanging threat assessment lang ang kanilang ginawa at hindi complete background investigation.
Dahil ditto, hindi raw natukoy ng PNP na nakakulong ang ina ni Diana Uy na si Yu Yuk Lai dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.