Psychiatrist ng DOH, may rekomendasyon para patuloy na makapag-ehersisyo ang publiko

Inirekomenda ng DOH National Center for Mental Health ang pagkakaroon ng mobile application na magagamit ng publiko para sa mga aktibidad tulad ng pag-eehersisyo

Ayon kay Dr. Agnes Joy Casino, sa pamamagitan ng teknolohiya ay makokontrol ang paglabas ng mga tao para makapag-ehersisyo.

Sinabi ni Dr. Casino na maaari ding gawin sa mga open space ang pag-eehersisyo upang makaiwas sa banta ng COVID-19.


Aniya, kailangan ngayon ng mga tao na maarawan at makapagpapawis sa pamamagitan ng exercise.

Facebook Comments