Psycho Social Counselling sa mga naapektuhan ng lindol, ginagawa na rin ng DSWD

Nagpadala rin ng mga tauhan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magsagawa ng psycho social counselling sa mga biktima ng lindol sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez na bahagi ito ng serbisyong kanilang inihahatid sa mga biktima ng kalamidad, para masiguro na hindi magdudulot ng trauma ang karanasan nila sa lindol.

Bukod dito, sinabi ni Lopez na tinitiyak din ng ahensiya na may mga ligtas na lugar sa mga evacuation site para sa mga bata, buntis at mga nanay na napapa-dede o breastfeed.


Dagdag pa ni Lopez na may itinalaga na rin silang mga security personnel sa pakikipag-tulungan ng mga awtoridad sa mga evacuation site upang hindi makaramdam ng anupamang uri ng pag abuso at kapahamakan ang mga evacuees.

Facebook Comments