Marawi City – Isang psychosocial activities ang isinagawa ng mga Local Government Units katuwang ang United Nations Development Program at ilang oranisasyon sa Marawi City.
Bukod sa pamamahagi ng relief goods at medical assistance – nagkaloob din sila ng humanitarian activities.
Layon nitong ipadama sa mga evacuees lalo na sa mga bata ang normal na buhay sa kabila ng nararanasang kaguluhan sa lugar.
Samantala – sinabi ni Provincial Crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong – isa sa mga tututukan sa pagbangon ng marawi ang mga lugar ng mga residenteng nawalan ng tirahan.
Sa ngayon – balak ng lokal na pamahalaan na magtayo muna ng tent city para sa daang-libong mga lumikas.
Kaugnay nito – hiniling ng crisis management team kay Pangulong Duterte na magtalaga ng rehabilitation czar para matutukan nang maayos at mapabilis ang pagbangon ng Marawi.