
Nagsagawa na rin ng Psychosocial First Aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Opong.
Sa DSWD Field Office 2 o Cagayan Valley, anim na mangingisdang nakaligtas matapos tumaob ang kanilang bangka sa kasagsagan ng Bagyong Nando sa Sta. Ana, Cagayan ang tinututukan ng DSWD.
Layunin nitong maibsan ang kanilang pangamba at matulungan silang makabangon mula sa naranasang trahedya.
Bukod dito, tumanggap sila ng tig-P3,000 na tulong pinansiual ang mga fisher folks mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Kasama na rin dito ang 21 iba pang mangingisdang na-stranded sa naturang bayan.
Sa ngayon, nasa kabuuang 27 mangingisda ang natulungan ng DSWD.
Facebook Comments









