Psychosocial support activities, tututukan sa unang linggo ng klase ayon sa DepEd

Tututukan ng Department of Education (DepEd) ang mental health ng mga mag-aaral sa unang linggo ng pagbabalik ng klase.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, na bukod sa paghahanda ng mga silid-aralan ay isa rin sa prayoridad ng kagawaran ang masigurong handa at maayos ang kaisipan ng mga estudyanteng magbabalik sa eskwela.

Giit ni Poa, kailangan ng mga aktibidad na makakatulong para sa mga mag-aaral na manumbalik ang kagustuhang pumasok sa paaralan matapos ang dalawang taong blended learning set-up.


Ang mga aktibidad ay maaaring gawin sa pamamagitan ng “paguhit, pagsayaw, pagkanta at pakikinig ng mga istorya.

Nagkaroon na rin ng pagsasanay ang mga guro noong nakaraang linggo para sa pagsasagawa ng psychosocial support activities para sa pagbabalik ng klase sa Lunes.

Base sa huling datos ng DepEd kahapon, nasa 21.8 million mag-aaral na ang enrolled para School Year 2022-2023, kung saan 19, 233, 796 dito ay enrolled sa public schools habang 2,531, 715 naman para sa private schools at 72, 342 ang nag-enroll sa mga nasa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges (SUCs/LUCs).

Facebook Comments