Psychosocial support, kailangan ng mga mag-aaral sa gitna ng krisis sa COVID-19

Hiniling ni Committee on Basic Education Chairman Senador Win Gatchalian sa Department of Education o DepEd na magbigay ng psychosocial support sa mga mag-aaral na dumaranas ng stress o anxiety lalo na’t pinalawig pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Paliwanag ni Gatchalian, nakakaapekto sa mental health ng mga mag-aaral ang pagkakagambala ng kanilang mga klase na nananatiling suspindido.

Ayon kay Gatchalian, dapat gamiting sanggunian ng DepEd ang “Key Messages and Actions for COVID-19 Prevention and Control in Schools”.


Sabi ni Gatchalian, binuo ito ng World Health Organization (WHO), United Nations Children’s Fund o UNICEF, at ng International Federation of the Red Cross and Red Crescent Societies sa pangangalaga ng mental health ng mga mag-aaral.

Samantala, hinikayat naman ni Gatchalian ang DepEd at mga guro na gamitin ang mga “Online Alternative Learning Delivery Platforms” na ni-rekomenda ng Information and Communications Technology Service habang nananatiling suspindido ang mga klase.

Facebook Comments