Nanindigan ang Parent-Teacher Association (PTA) sa pagtutol nitong magkaroon ng face-to-face classes hangga’t walang bakuna kontra COVID-19 para sa mga bata.
Sa interview ng RMN Manila, aminado si PTA National President Willy Rodriguez na walang masyadong natututunan ang mga bata sa ilalim ng modular distance learning.
Gayunman, pangunahing concern pa rin ng mga magulang ang kalusugan ng mga bata.
Katunayan, 3% lang aniya ng mga magulang ang pabor na ibalik na ang face-to-face classes.
Kumpiyansa naman si Rodriquez na hindi gagawa ng desisyong makakasama sa kaligtasan ng mga kabataan ang Department of Education (DepEd) at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments