PTFoMS, Dismayado sa ginawang pagtanggal ng Facebook sa ilang Social Media Pages

Cauayan City, Isabela- Nagpahayag ng pagkadismaya si Presidential Task Force on Media Security executive director Undersecretary Joel Egco dahil sa ilang social media accounts ang basta na lamang inalis ng pamunuan ng facebook.

Ayon kay Usec. Egco, ilan sa mga inalis na sinasabing pekeng accounts ay ‘Hands-Off Our Children PH’ kung saan tahasang sinasabi nito na hindi peke ang nasabing facebook page dahil kilala nito personal ang mga nasa likod ng nasabing grupo.

Inakusahan ang nasabing fb page dahil sa mayroong ‘inauthentic behavior’ ang mga nangangasiwa dito.


Makaraang burahin ang fb page ay kaliwa’t kanan ngayon ang nagsasabi sa grupo na umano’y bayaran at kalaban ito ng gobyerno.

Ang ‘Hands-Off Our Children PH’ fb page ay isang paraan ng grupo upang hikayatin ang mga kabataan na hindi dapat maging biktima ng makakaliwang grupo.

Kinuwestyon din Egco kung bakit hindi magawang alisin ang mga account na gumagawa ng panghihikayat ng mga NPA sa mga kabataan.

Nirerespeto rin ni Egco ang rules and regulation ng facebook subalit kinakailangan din aniya na respetuhin nito ang batas na umiiral sa bansa.

Maliban dito, kasama rin sa inalis ng pamunuan ng facebook ang ‘KALINAWNEWS’.

Facebook Comments