
Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang mga pananakot at mga natatanggap na pambabanta sa mga media practioners sa bansa.
Sa pagbisita ni PTFOMS Undersecretary Jose A. Torres Jr. sa press office ng Camp Crame, sinabi niya na sila ay gumagawa ng consultation sa mga press organization at mga individual journalists para malaman ang status, challenges at pangagailangan na kinakaharap ng media.
Ayon sa kanya, mula taong 1996 ay mayroon nang naitalang 199 na kaso ng media killings sa bansa kung saan ang 75 dito ay work-related cases habang 73 na kaso naman dito ay hindi work-related.
Samantala, may 12 kaso ang hinahanap pa rin ang mga kaukulang dokumento at hindi pa kasali dito ang 32 na kaso mula sa Maguidanao killings noong 2009.
Dagdag pa niya, naging hamon sa kanila ang paghagilap ng mga witness sa mga nasabing kaso at ang iba ay ayaw nang i-pursue pa ng mga pamilya ng mga nasawing media practioners.
Kaugnay nito, nanawagan ang PTFOMS sa mga media practioners na lumapit sa ahensya sakaling makaranas ng mga pambabanta para mag-file ng kaso kung saan tiniyak nila na tutulungan ang mga ito.









