PTV, off-air ngayong araw para sa magsagawa ng disinfection laban sa COVID-19

Hindi muna magsasahimpapawid ngayong araw ang People’s Television Network (PTV) para magsagawa ng disinfection sa mga pasilidad nito bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ang government TV station ay matatagpuan sa Quezon City.

Sa statement ng PTV sa kanilang Facebook page, magsasagawa sila ng disinfection para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.


Inaasahang magbabalik ang kanilang broadcast operations bukas, March 18 para sa non-station produced programs.

Ang mga programa nito tulad ng #LagingHandaPH at Ulat Bayan ay mababalik on-air sa Lunes, March 22.

Sa ulat ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), nakapagtala sila ng 24 na aktibong kaso ng COVID-19 mula nitong March 15, dalawa ang namatay habang 64 ang gumaling sa sakit.

Facebook Comments