PTV4 General Manager Toby Nebrida, sinagot ang mga panawagan ng PTV Employees Association na ibalik sa puwesto si Puod

Tiniyak ng bagong People’s Television Network General Manager na si Antonio Baltazar Villanueva Nebrida Jr., na makikinig siya sa mga hinaing ng mga empleyado ng PTV 4.

Ito’y reaksyon ni Nebrida kasunod ng panawagan ng PTV Employees Association (PTEA) na ibalik sa puwesto ang dating GM ng PTV 4 na si Annalisa Puod

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Nebrida na makikipagtulungan at bukas siyang makini sa mga empleyado sa kabila ng mga agam-agam.


Bahagi aniya ng demokrasya at lipunan ang paghahayag ng saloobin.

Ayon pa kay Nebrida, ipagpapatuloy niya ang pagpapabuti at pagpapatupad ng mga mandato para sa ikagaganda ng network.

Simple lang aniya ang direktiba sa kaniya ng nasa itaas na magkaroon nang maayos na transition mula sa nakaraang pamumuno.

Sa ilalim din ng kaniyang pamumuno, nais aniyang tutukan ni Nebrida ang tatlong bagay: una na rito ang pagpapabuti ng kakayahan at talento ng mga empleyado, pangalawa ang pagpapaganda ng programming, at pangatlo ang technical capabilities ng PTV 4.

Ngayong hapon ay nanumpa na si Nebrida kay PCO Sec. Cheloy Garafil at inihahanda na rin ang turnover ceremony ng kaniyang panunungkulan bukas.

Facebook Comments