PUBLIC APOLOGY | Xiamen airlines, humingi ng sorry

Manila, Philippines – Naglabas na ng public apology ang pamunuan ng Xiamen airlines dahil sa pagkakaparalisa ng ilang flights na nakaapekto sa libu-libong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Xiamen airline chairman Che Shanglun, gumawa sila ng hakbang matapos ang insidente para matulungan ang mga naapektuhang pasahero.

Tumulong rin aniya sila sa pag-alis ng sumadsad nilang eroplano na naging pahirapan dahil sa sama ng panahon.


Sabi pa ni Shanglun, patuloy ang pakikipag-ugnayan sila sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP at sa civil administration ng China para sa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments