Public apperance ni Pangulong Duterte – inaabangan mamayang hapon matapos ang limang araw nitong pamamahinga

Manila, Philippines – Inaabangan na ang nakatakdang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko matapos ang limang araw na diretsong pamamahinga.

Nabatid na nagresulta ng napakaraming ispekulasyon sa kalusugan ni Pangulong Duterte ang ilang araw nitong hindi pagharap sa publiko dahil sa pagod sa nagdaang mga aktibidad mula nang maideklara ang Martial Law sa Mindanao.

Batay sa schedule ng pangulo ngayong araw, nakatakdang dumalo mamayang hapon si Pangulong Duterte sa 50th Founding Anniversary Celebration ng lalawigan ng Agusan Del Norte.


Sunod na aktibidad ng pangulo ang pagbisita nito sa 4th Infantry Division Advance Command post sa Bancasi, Butuan City.

Facebook Comments