Public assistance centers ng MMDA, ipoposte sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila

Manila, Philippines – Paiigtingin pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa mga kalsada sa paligid ng iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay Bong Nebrija, supervising operations officer ng MMDA, aabot sa 2,866 personnel ang ipakakalat ng MMDA para sa Undas.

Aniya, magse-set up sila ng public assistance centers at ambulansya sa Manila North Cemetery, South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City at San Juan Public Cemetery.


Tututukan din nila ang mga bus terminals kung saan magde-deploy sila ng reckless driving enforcement team, anti-jaywalking unit at sidewalk clearing operations group.

Facebook Comments