Planong palawigin ng pamahalaan ang bakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pribado at pampublikong klinika bilang vaccination site.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Philippine Medical Association (PMA) hinggil dito.
Ito aniya ay pagpapatuloy rin ng programang “Resbakuna sa Botika” kung saan mas palalawigin ang access ng mga komunidad sa bakuna upang mas madaling mapuntahan ng publiko at makatulong sa pagtaas ng vaccination coverage ng bansa.
Matatandaang pitong botika at pribadong klinika ang nakilahok sa pilot run ng naturang programa noong January 20.
Target ng pamahalaan na mabigyan ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 ang 77 million Pilipino sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Marso.