Manila, Philippines – Itinuturing ng Public Attorney’s Office (PAO) na ‘fishing expedition’ ang gagawing lie detector test sa padre de pamilya ng mga biktima ng Bulacan Massacre.
Ayon kay PAO Chief Percida Acosta, balak itong gawin ng Philippine National Police (PNP) dahil wala silang nakitang ebidensya kay Dexter Carlos.
Giit ni Acosta, hindi na dapat magsagawa ng nasabing test lalo’t ang pulisya na ang nagsabi na hindi na itinuturing na persons of interest si Carlos.
Dagdag pa niya, kahit binaligtad ng suspek sa kaso na si Carmelino Ibañes ang mga pahayag nito ay hindi na nito mabubura ang mga naunang pag-amin nito na siya ang gumawa ng krimen.
Dumipensa naman si San Jose Del Monte Chief of Police, Supt. Fitz Macariola sa isyung nagpabaya umano sila sa Scene of the Crime nang papasukin ang mga tao sa loob ng bahay.
Samantala, inaasahang ilalabas ng PNP Crime Laboratory ang resulta ng DNA results ng pamilya Marcos ngayong araw.