Public Attorney’s Office, nag-alok ng legal na tulong sa mga biktima ng trahedya sa Resorts World; Commission on Human Rights, pag-aaralan kung nagkaroon ba ng lapses sa operasyon ang mga otoridad

Manila, Philippines – Nakatutok ang Public Attorney’s Office (PAO) sa ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police sa nangyaring pag-atake sa Resorts World.

Sa interview ng RMN kay PAO Chief Percida Acosta – sinabi nitong nakahanda silang magbigay ng legal assistance sa pamilya ng mga nasawing biktima.

Kasabay nito – nanawagan si Acosta sa lahat ng hotel owners na paigtingin ang pagbabantay sa seguridad ng kani-kanilang mga guest.


Malinaw kasi aniya na may malaking pananagutan ang pamunuan ng hotel sa mga ganitong insidente lalo’t makikitang nagkaroon ng kapabayaan.

Samantala pag-aaralan ng Commission on Human Rights kung may lapses ba o pagkukulang sa operasyon ng mga otoridad sa Resorts World.

Inihayag din ng CHR – bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nais na magpasaklolo lalo na sa usaping legal.
DZXL558

Facebook Comments