May posibilidad na magkaroon ng sariling District Office ng Public Attorney’s Office (PAO) sa bayan ng Bacnotan, La Union matapos ang isinagawang inspeksyon at talakayan kasama ang lokal na pamahalaan.
Tinalakay ang posibleng lokasyon nito sa New Public Market, na nakikitang akma at mas madaling mapupuntahan ng publiko.
Positibo ang lokal na pamahalaan sa magiging benepisyo ng nasabing tanggapan, partikular sa pagbibigay ng libreng legal services sa mga residente.
Desidido rin ang ehekutibo na isakatuparan ang proyekto upang higit na magabayan ang kanilang nasasakupan sa mga usaping may kinalaman sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









