PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE SA BACNOTAN, LA UNION, BINUKSAN NA

Libre na ang serbisyong legal sa Bacnotan, La Union sa pagbubukas ng Public Attorney’s Office ngayong Enero 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa mga serbisyong alok ng tanggapan ang libreng legal advice, paggawa ng affidavits at ilan pang legal documents,mediation, pagsasampa ng kaso at court representation.

Kinakailangan na may kalakip na proof of indigency para sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong sa pagsasampa ng kaso at court representation habang hindi na kinakailangan kapag legal advice, consultation, mediation at public affidavits naman ang sadya sa opisina.

Para mapatunayan na indigent ang isang indibidwal, kinakailangan ng mga dokumento tulad ng barangay certification na nagdedeklarang indigent ang isang indibidwal, at payslip at income tax return na nagsasaad na hindi lalagpas sa ₱20,000 ang buwanang kita.

Nakatakda ring magsagawa ng outreach service sa mga barangay ang tanggapan para sa pangangailangan sa serbisyong legal ng mga residente.

Matatagpuan ang Public Attorney’s Office sa New Public Market sa Bacnotan, La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments