Ikinatuwa ng Public Attorney’s Office (PAO) na malapit nang umuwi sa Pilipinas si Mary Jane Veloso.
Si Veloso ay 14 na taong nakakulong sa Indonesia dahil sa kinakaharap na kasong may kaugnayan sa iligal na droga at nahatulan din noon ng bitay.
Sa panayam ng media kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, bagama’t masaya sila para kay Veloso ay may hiling din naman sila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay ang muling silipin ang kaso ng dalawa na hinahawakan ng PAO na sina Maria Kristina Sergio at ang kasintahan nito.
Si Sergio ang sinasabing naging recruiter umano ni Veloso na nag-alok sa kaniya ng trabaho at nagbigay ng maleta kung saan nakuha ang mga iligal na droga.
Ayon kay Acosta, sana ay bigyan din ng pagkakataon ang kaso nina Sergio upang maging patas.